in

Golden Cañedo, may new single under GMA Music

Isang musical treat ang ihahatid ni The Clash Season 1 Champion Golden Cañedo para sa kaniyang fans sa pamamagitan ng kanyang bagong single under GMA Music – ang “Walang Hanggang Sandali.”

Karangalan daw na maituturing ni Golden ang mapagkatiwalaan ng isang kanta na isinulat ng mga kilalang OPM artists na sina Ebe Dancel, Yumi Lacsamana, Herbert Hernandez, at Jim Paredes. Ang awiting ito ay produkto rin ng nakaraang Filscap Master camp, ang pinakaunang major songwriting collaboration sa Pilipinas.

“I feel blessed and honored na ipinagkatiwala po nila sa akin ang kantang ito. I look up to them dahil sila ‘yung mga pinapakinggan ko noon and hinahangaan ko ‘yung mga kanta nila. And now ako na mismo ang kakanta ng gawa nila. Also, thankful din po ako sa GMA Network, GMA Artist Center, and GMA Music dahil ako ang napili nila na magbigay-buhay sa kantang ito.”

Ang “Walang Hanggang Sandali” ay tungkol sa chance encounters at kung paano nagiging daan ang tadhana para makilala at mahalin ang tamang tao sa ating buhay. Nakaka-relate raw si Golden dito, “Siyempre si Lord talaga ang nakakalaam kung sino ang nakatadhana para sa atin. At kapag dumating na ang perfect time na ‘yun, ‘yun na ang magiging simula ng Walang Hanggang Sandali. Masarap ma-in love lalo na sa tamang tao.”

Simula August 25, available na ang single ni Golden for streaming sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovely Abella, proud fitness instructor  

Heart Evangelista, mamimigay ulit ng mga tablet