in ,

Gigi de Lana, may libreng digital concert para sa ‘YouTube Music Night’

Maghahandog ng maagang pamasko ang viral sensation at Pop Rock Diva na si Gigi De Lana para sa YouTube subscribers sa libreng digital concert niyang “Gigi De Lana: Holiday Vibes” para sa “YouTube Music Night” ngayong Sabado (Disyembre 11), 8 PM.

Makakasama ni Gigi ang banda niyang The Gigi Vibes para sa isang nakaka-relax na gabing puno ng musika at masayang kwentuhan. Ekslusibo itong mapapanood sa YouTube channels ng ABS-CBN Star Music, MOR, MYX, at One Music.

Maaasahan ng viewers ang tagos sa pusong performances niya ng Christmas classics at ABS-CBN Christmas ID theme songs, OPM hits, ang debut single niyang “Sakalam,” at isang Moira Dela Torre medley. Kaabang-abang din ang espesyal na duet nila ng special guest at Kapamilya singer na si Jason Dy.

Makakasama naman ni Gigi sina Edward Barber at MYX VJ Samm Alvero na magsisilbing hosts ng “Gigi De Lana: Holiday Vibes.” Ididirek naman ito nina Alco Guerrero at Marvin Caldito sa ilalim ng produksyon ng YouTube Music at ABS-CBN Events, kasama ang Playback Productions bilang line producer.

Ito ang ikatlong digital concert ng “YouTube Music Night” sa Southeast Asia kasunod ng “Love, Jona” ni Jona at “Hearts On Fire: Juris and Jed” nina Juris at Jed Madela noong Pebrero sa pangunguna ng YouTube Philippines at produksyon ng ABS-CBN Events.

Mag-chill kasama si Gigi sa “Gigi De Lana: Holiday Vibes” ng “YouTube Music Night” ngayong Sabado (Disyembre 11) ng 8 PM. Panoorin ito sa YouTube channels ng ABS-CBN Star Music, MOR, MYX, at One Music.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga kandidato sa Halalan 2022, sinimulan nang kilatisin sa Teleradyo

Paulo Avelino at Janine Gutierrez, mag-asawa na sa ‘Marry Me, Marry You’