in

Gerald Anderson at Yam Concepcion, magbabalikan sa ‘Init sa Magdamag’

Tuluyan nang binitiwan ni Tupe (Gerald Anderson) ang kanyang planong magsimulang muli sa ibang bansa para sa kapakanan ng kanyang pinakamamahal na si Rita (Yam Concepcion), na dumanas ng kalunos-lunos na pang-aabuso ni Peterson (JM de Guzman) sa “Init sa Magdamag,” na napapanood gabi-gabi nang 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Isa pang magandang balita ang sumalubong sa kanya sa desisyon niyang ito dahil sinuklian ng isang pasyente ang kanyang kabutihan sa pamamagitan ng isang donasyon na lupa, na maaring patayuan ni Tupe ng isang charity hospital, isang pangarap na matagal na niyang hinihintay matupad. Ngunit hindi niya inaasahang magkakalapit rin sila ni Rita nang malaman niyang titira na ito sa bahay na katabi mismo ng ipatatayong ospital.

Samantala, nagpaubaya na si Peterson sa kagustuhan ni Rita na maghiwalay sila sa pamamagitan ng annulment. Lingid sa kaalaman ni Rita, hindi basta-basta papayag ang asawa na mawala siya sa buhay nito.

Ngayong magkakalapit nang muli sina Tupe at Rita, magkabalikan na kaya sila? Ano ang gagawin ni Tupe kapag malaman ito?

Mula sa Star Creatives, ang “Init Sa Magdamag” ay nasa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.

Panoorin ang “Init sa Magdamag” gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel habang and advance episodes nito ay nasa iWantTFC at WeTV iflix.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Coco Martin at Jane de Leon, magsasanib-pwersa sa pagsagip kay Aya Fernandez sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

‘Metamorphosis’ at ‘The Throne,’ nasa VIVAMAX na!