in

Garrett Bolden, nagbigay ng tips para sa mga gustong maging ka-boses sina Lani Misalucha at Christian Bautista

Kakaiba ang gimik ng The Clash Season 1 alumnus na si Garrett Bolden sa kanyang TikTok account. Kinaaliwan ng followers niya ang two-step tutorial kung paano gayahin ang boses ng The Clash panelists na sina Lani Misalucha at Christian Bautista.

Tip ni Garrett, dapat may konting nginig ang boses at maayos itong ma-modulate para maging katunog ng Asia’s Nightingale.

Para naman magaya si Christian, ang pabirong hirit ni Garrett ay “Step 1: Alam n’yo ‘yung 90 Day Fiancé, kilala ny’o si Rose? Medyo gagayahin lang natin boses ni Rose. I-a-apply n’yo lang s’ya sa bawat words na kakantahin mo. Step 2: Kilala mo ‘yung partner n’ya, si Big Ed? Medyo gagayahin lang natin ‘yung posture niya, kumbaga tight ‘yung katawan.”

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 152,000 followers at 617,000 likes si Garrett sa TikTok.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aicelle Santos, suportado ang fundraiser para sa pedicab drivers ng Intramuros

Sofia Pablo, milyonaryo na sa Instagram followers