in

Gabbi Garcia at Andre Paras, binalikan ang mga pinagsamahang proyekto

Sa latest episode ng kanyang vlog na “Shout Out Andre,” nakakwentuhan ni Andre Paras ang kanyang Kapuso “batch mate” na si Gabbi Garcia. 

Pinag-usapan nina Andre at Gabbi ang mga proyektong pinagsamahan nila. Ilan sa mga ito ay ang 2016 requel ng Encantadia, Sherlock Jr., at Pamilya Roces. Isa raw sa mga hindi malilimutang alaala ni Gabbi ay noong natamaan niya ang kanyang Encantadia co-star na si Sanya Lopez ng kanyang prop sword sa isang fight scene. 

Inalala naman ni Andre ang panahon na inengganyo niya si Gabbi na ipagpatuloy ng kanyang music career kahit na nagsisimula pa lang ang dalaga sa showbiz. “You mentioned something na ‘I don’t think nobody will know that I can sing.’ And I was like, ‘Just keep on singing, one day, you’re gonna be on stage.’ Next thing I know, she’s on stage, she has her own prod,” lahad ni Andre. 

Samantala, sino naman kaya ang makakasama ni Andre sa “Shout Out Andre” ngayong Sabado? Abangan ‘yan sa kanyang YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Derek Ramsay at Andrea Torres, muling nagkita at nagkasama

GMA Network, nananatiling “Buong Puso Para sa Pilipino”