in

Fresh collabs paiinitin ang ‘ASAP Natin ‘To’ ngayong Linggo

Fresh na fresh ang summer dahil sa mga nagbabagang dance and musical performance mula sa mga paborito ninyong Kapamilya idol ngayong Linggo (Mayo 2) sa sa “ASAP Natin ‘To,” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pakatutukan ang mga paborito ninyong idol sa ASAP stage, tulad nina AC Bonifacio, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Jason Dy, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, vocal trio iDolls, Joao Constancia, Jin Macapagal, at Vivoree Esclito.

Damhin ang summer groove sa song-and-dance number ng Asia’s Pop Heartthrob na si Darren. Exciting rock biritan ang dapat naming abangan mula sa new generation of ASAP divas na sina Elha Nympha, Sheena, Zephanie, at Janine Berdin.

May soulful kantahan din mula sa new breed of singers na sina KD Estrada, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, at Sam Cruz kasama ang TikTok star at on-the-rise artist na si Angela Ken.

Times three naman ang hugot sa senti sessions nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Soul Siren Nina, at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Abangan ang fresh collabs nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Iñigo Pascual, at ng Concert King Martin Nievera at si Bamboo.

Puno naman ng mensahe ng pag-asa ang mga awitin nina Gary V., Martin, Erik Santos, Zsa Zsa, at Regine sa “The Greatest Showdown.”

Talagang fresh ang summer celebration dahil sa mga world-class performance mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV, worldwide via TFC, at online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Nora Aunor, gaganap bilang caregiver sa #MPK ngayong Sabado

Paulo Avelino at Janine Gutierrez, magtatambal sa ‘Marry Me, Marry You’ ng ABS-CBN