in

Francine Diaz, inaapi o nagpapaapi kay Eula Valdez sa ‘Huwag Kang Mangamba’?

Kalupitan ang kapalit ng pagmamakaawa ni Joy (Francine Diaz) na tanggapin siyang muli ng salbaheng tiyahing si Deborah (Eula Valdes) sa “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nawalan na ng masasandalan si Joy dahil sa biglaang pagkawala ng kapatid niyang si Mira (Andrea Brillantes) at ng lola nilang si Barang (Sylvia Sanchez) na muling pinadala sa isang mental facility, kaya naman mag-isa na lang niyang hinaharap ang mga pagsubok sa buhay at ang pagdadalamhati sa balitang patay na ang nanay nila ni Mira.

Pagkatapos lumuhod at humingi ng tawad kay Deborah, tinitiis ngayon ni Joy ang pang-aabuso sa kamay ng pekeng faith healer para mapalapit dito at maimbestigahan ang mga iligal na gawain nito. Umaasa kasi si Joy na kapag napabagsak niya ang tiyahin ay mabubuong muli ang kanyang pamilya.

Habang palakas nang palakas ang pwersa ni Deborah sa Hermoso sa pagdami ng mga debotong handa siyang ipagtanggol, napapalapit naman si Eva (Mylene Dizon) sa katotohanang tiwaling mayor ang asawa niyang si Miguel (RK Bagatsing) na kasosyo si Deborah sa mga iligal na gawain.

Dahil sa nararamdamang pag-iisa, tuluyan na bang tatalikuran ni Joy si Bro? Kakalimutan na rin ba ni Joy si Mira?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

KathNiel may espesyal na 10th anniversary Docu sa YouTube

Debut EP ng dating Cruise Ship singer, swak pakinggan sa ‘Night Drives’