in

Francine Diaz, ilag kay Andrea Brillantes, duda kay Christopher de Leon sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Lumalalim ang hidwaan sa pagitan nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) dahil kay Elias (Christopher De Leon) sa “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Halatang lumalayo na ang loob ni Joy kay Mira pagkatapos nitong magpakitang muli at umuwi sa Hermoso kasama ang tagapagligtas nitong si Elias.

Pero kung buo ang tiwala ni Mira sa kanya, pinagdududahan naman ni Joy ang totoong intensyon nito dahil hindi niya ito kilala. Maging ang mga kaibigan nina Mira at Joy ay mainit ang pagtanggap kay Elias dahil naniniwala silang malaki ang maitutulong nito sa hangarin nilang ibalik ang pananampalataya ng mga tao kay Bro at pabagsakin ang pekeng healer na si Deborah (Eula Valdes).

Madadagdagan naman ng kakampi sina Mira at Joy dahil nangako si Eva (Mylene Dizon) na makikiisa ito laban sa pwersa ni Deborah. Lalaban na si Eva matapos siyang akusahan ng asawang mayor na si Miguel (RK Bagatsing), ang kasosyo ni Deborah sa negosyong smuggling, na kinidnap niya ang kanilang anak pagkatapos.

Maibalik pa kaya nina Mira at Joy ang dati nilang samahan? Paano nila matutupad ang misyon nila kay Bro kung magkalayo ang loob nila?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mahigit 60 Star Magic artists, maglalaban-laban para bumida sa ‘MMK’

Madam Inutz niregaluhan ng bahay at lupa ni Wilbert Tolentino