in

‘Family History,’ trending sa Netflix Philippines!

Patuloy na pinupusuan ng mga manonood ang Family History — ang directorial debut film ni multi-awarded comedian and content creator Michael V. — matapos itong makasama sa Top 10 trending movies and series sa streaming platform na Netflix Philippines. 

Una itong napanood sa mga sinehan taong 2019 at umani ito ng positive feedback mula sa viewers and critics. At ngayon nga ay available na rin ang pelikula sa Netflix Philippines.  

Sa kanyang panayam sa 24 Oras, excited si Michael V. na mas marami pa ang makakapanood sa Family History dahil tiyak na magkakaroon daw ito ng panibagong kahulugan sa ngayon. Aniya, “Especially nung nangyari ‘yung pandemic. A lot of people probably didn’t think na it will hit them close to home, pero after nung mga nangyari na may mga kaibigan tayo, may mga kamag-anak tayo na nawala and then you realize the value, the lesson nung movie. ‘Yun ‘yung gusto ko talaga iparating.”