in

Eugene Domingo at Sanya Lopez, magkaribal sa ‘Dear Uge’

Kaabang-abang ang pagsasamahang fresh episode nina Eugene Domingo at Sanya Lopez para sa ‘Dear Uge Presents: Ang Dalawang Mrs. U’ ngayong Linggo (September 20).

Matapos mabiyuda si Stella (Eugene), nalaman niya na may iniwang mana ang kanyang asawa sa kanilang lawyer na si Atty. George (Gardo Versoza). Makukuha lang ito ni Stella kung magtatagumpay siya sa kundisyong inihanda ni George.

Malugod niyang tinanggap ang hamon pero ang hindi niya alam, kailangan pala niyang manirahan kasama ang kerida ng kanyang asawa na si Nelda (Sanya Lopez). Magtagumpay kaya si Stella sa pagkuha ng mana o mauuwi sa away ang magkaribal?



Tunghayan ang kaabang-abang na pagganap nina Eugene at Sanya sa ‘Dear Uge Presents: Ang Dalawang Mrs. U’ ngayong Linggo (September 20), 2:30PM, sa GMA-7! 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Lovi Poe, nagpasilip sa taping ng ‘I Can See You: High Rise Lovers’

‘Love of my Life,’ isa sa mga paboritong proyekto ni Mikael Daez