in

Erik Santos, may all-star birthday treat sa ‘ASAP Natin ‘To’

Tuloy-tuloy ang party fever sa “ASAP Natin ‘To” dahil sa panibagong world-class acts mula sa paborito ninyong Kapamilya stars, tulad ng Miley Cyrus transformation ni Maymay Entrata, kilig treat mula sa DonBelle, new single performance ng BGYO, all-star birthday number mula kay Erik Santos, at marami pang iba ngayong Linggo (Oktubre 10) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pang-international ang datingan ni Maymay Entrata sa kanyang Miley Cyrus transformation sa panibagong edisyon ng “ASAP Transformation.”

Maki-party naman sa ’90s and early 2000s kantahan at sayawan mula sa inyong ASAP family, kasama sina Edward Barber, Robi Domingo, Janella Salvador, Enchong Dee, Jeremy Glinoga, Nyoy Volante, Nina, at iba pa.


At makisali sa all-star birthday blowout ni Erik Santos kasama ang mga bigating OPM idol na sina Ogie Alcasid, Angeline Quinto, Darren, KZ, Jason Dy, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez.

Huwag na huwag palalampasin ngayong Linggo ang mga panibagong world-class treat mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.