in

Erich Gonzales ‘shookt’ na ama si Raymond Bagatsing sa ‘La Vida Lena’

Magbabago na ang mundo nina Lena (Erich Gonzales) at Lukas (Raymond Bagatsing) dahil matutuklasan na nilang magkadugo at mag-ama sila ngayong linggo sa “La Vida Lena,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa isang enggradeng party, magkakaroon ng matinding komprontasyon sina Lena at Lukas sa harap ng kanilang mga pamilya at kasosyo sa negosyo.

Pero emosyonal na papagitna sa kanila si Ramona (Janice De Belen) at ibubulgar nito ang katotohanang mag-ama ang dalawa na ikagugulat ng lahat.

“Sa dinami-dami ng pwede kong maging tatay, bakit si Lukas Narciso pa? Siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko noon!” daing ni Erich pagkatapos mabasa ang positibong resulta ng DNA test nilang dalawa.

Hindi naman papaniwalaan agad ni Lukas ang rebelasyon pagkatapos niyang siraan si Lena sa harap ng stakeholders ng kumpanya niya. Nalaman kasi ni Lukas ang sabwatan nina Lena at Miguel (Kit Thompson) na bilhin ang sarili niyang kumpanya at tanggalan siya ng kapangyarihang pamunuan ito.

Itutuloy pa ba ni Lena ang paghihiganti sa sarili niyang ama? Paano naman si Lukas?

Subaybayan ang ikatlong season ng “La Vida Lena” mula Lunes hanggang Biyernes, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z.

Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “La Vida Lena,” na nakasama sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sino kina Alexa Ilacad, Karen Bordador, Samantha Bernardo, at TJ Valderrama ang maliligtas sa gagawing double eviction sa ‘PBB Kumunity?’

Daydreamers sama-sama sa ‘Let’s Stan’