in

Erich Gonzales reresbak, sisimutin ang yaman ni Raymond Bagatsing sa ikatlong season ng ‘La Vida Lena’

May nanalo na! Mula sa pagiging api, magiging certified heredera na si Lena (Erich Gonzales) sa ikatlong season ng “La Vida Lena” na magbubukas ngayong Nobyembre sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Malalantad na ang katotohanang ang tunay na ama ni Lena ay ang ang mortal na kaaway niyang si Lukas (Raymond Bagatsing), kaya gagamitin ni Lena ang pagiging unica hija niya para makapaghiganti sa buong pamilya Narciso.

Sukdulan na ang paniningil ni Lena dahil hahabulin niya hanggang ang pinakahuling kusing sa kayamanan ni Lukas. Ipipilit din ni Lena ang sarili niyang magkalugar sa pamilya nina Lukas at Vanessa (Agot Isidro), mula sa pamamahay ng mga ito hanggang sa kumpanya nila.

Babaliktad na rin ang mga mundo nila dahil magiging kakampi na rin ni Lena si Miguel (Kit Thompson), habang tuluyan namang kakalas si Jordan (Carlo Aquino) sa kanya para mamasukan kay Lukas.

Mapapaluhod na ba ni Lena ang mga kaaway niya?

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z.

Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “La Vida Lena,” na nakasama sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sunshine Dizon, kinikilig kay Fino Herrera sa ‘Marry Me, Marry You’

Darna, Captain Barbell, At Lastikman sanib-pwersa sa ‘Hero City Kids Force’ sa iWantTFC