in

Engrandeng pasasalamat sg ABS-CBN, tampok ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’ live

Magsasama-sama ang mga naglalakihang Kapamilya stars nang live ngayong Linggo (Hulyo 11) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 para pasalamatan ang mga Pilipinong patuloy na sumusuporta sa ABS-CBN sa kabila ng mga hamong dinaranas nito, sa pamamagitan ng kampanyang “Andito Kami Dahil Sa Inyo” na ilulunsad sa “It’s Showtime” ngayong Sabado (Hulyo 10).

Abangan sa thanksgiving party sina Vice Ganda, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, Erich Gonzales, Joshua Garcia, at marami pang iba.

Magsasanib-pwersa ang mga Star Magic artists para sa isang TikTok hits performance, tulad ng hatawan nina ASAP dance royalty Kim Chiu, Jane Oineza, Heaven Peralejo, Maris Racal, Vivoree Esclito at Maymay Entrata.

May kantahan pa mula kina Shaina Magdayao, Janella Salvador, at Erich Gonzales; astig na collab nina Asia’s Pop Heartthrob Darren, at Iñigo Pascual kasama si AC Bonifacio; mga dance showdown mula sa dance hotties na sina Sue Ramirez, Jane de Leon, Charlie Dizon, Elmo Magalona, Ronnie Alonte, Jameson Blake, Jeremiah Lisbo, JC Alcantara at Enchong Dee; at kilig surprise mula sa mga paborito ninyong Kapamilya loveteam, sa pangunguna nina Kyle Echarri at Francine Diaz, Donnie Pangilinan at Belle Mariano, pati sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

Samantala, may proudly Pinoy musical performance din mula kina from KZ, Klarisse de Guzman, Kyla, Jason Dy, Bugoy Drilon, Nyoy Volante, CJ Navato at Jed Madela.

Mamangha naman sa iba’t iba pang world-class performances sa ASAP stage, tulad ng smooth kantahan ng ASAP new breed of singers na sina KD Estrada, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, at Sam Cruz kasama ang trending artist na si Angela Ken; new single launch mula sa hit OPM band na Ben&Ben; mainit na tapatan ng new-gen birit divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, at Janine Berdin; at ang unkabogable performance ni Vice Ganda.

Magpapasaya rin ngayong Linggo ang heartthrobs na sina Robi Domingo, Iñigo Pascual, Kyle Echarri, Darren, at OPM hitmaker Ogie Alcasid bilang Hagibis sa “ASAP Transformation.”

Isang ASAP exclusive performance naman ang dapat pakatutukan dahil makiki-jamming mula United Kingdom ang international chart-topping band na Coldplay, tampok ang bago nilang single na “Higher Power.”

Tunghayan ang pinaka-highlight ng pagbibigay pugay sa mga manonood sa bonggang musical performance tampok ang awiting “Kapamilya Forever” mula kina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Nyoy Volante, Jed Madela, Jason Dy, Erik Santos, Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Gigi de Lana, Elaine Duran, Lara Maigue, Rachel Alejandro at Regine Velasquez kasama ang naglalakihang Kapamilya stars.

Ito ang engrandeng thanksgiving celebration na hindi mo dapat ma-miss. Samahan ang ating mga Kapamilya idol live ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Charlie Dizon, handang mamatay para sa pag-ibig sa ‘My Sunset Girl’

Kit Thompson, may masamang balak kay Erich Gonzales sa ‘La Vida Lena’