in

Ella Cayabyab, na-evict na sa ‘PBB Connect’

Matapos maisalba ng taumbayan ng ilang linggo sa nominasyon tuluyan na rin lumisan si Ella Cayabyab sa bahay ni Kuya bilang panlabing-isa na evictee ng “PBB Connect.”

Nanaig sa botohan ang kapwa niyang nominadong housemate na si Amanda Zamora na nakakuha ng 38.75% mula sa pinagsamang Kumu at text votes, habang -9.37% naman ang pumasok na boto para sa “RaKweentera ng Quezon.”

Lubos pa rin ang pasasalamat ni Ella sa “PBB Connect” sa naging mga karanasan niya sa loob ng bahay dahil marami siyang babaunin na aral sa outside world.


Sino kaya kina Amanda, Andrea, Chico, Jie-Ann, Kobie, Liofer, at Ralph ang tatanghaling Big 4?

Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,” 10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.