in

Dustine Mayores, Eslam El Gohari, Gabb Skribikin, Luke Alford, at Stephanie Jordan, sasalang sa Double Eviction sa ‘PBB Kumunity’

Nahaharap sa unang double eviction ang teen housemates na sina Dustine Mayores, Eslam El Gohari, Gabb Skribikin, Luke Alford, at Stephanie Jordan matapos mapabilang sa listahan ng mga nominado sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition.

Nahaharap sa unang double eviction ang teen housemates na sina Dustine Mayores, Eslam El Gohari, Gabb Skribikin, Luke Alford, at Stephanie Jordan matapos mapabilang sa listahan ng mga nominado sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition.

Nakakuha ang limang teen housemates ng pinakamaraming puntos sa ginawang harapang nominasyon na nagpataas ng tensyon sa loob ng bahay ni Kuya. Nanguna si Luke na may 10 puntos, Eslam na may 5 puntos, Stephanie na umani ng 4 na puntos, at sina Dustine at Gabb na may tig 3 puntos.


Dahil dito, maraming netizens ang pumuri sa housemates na natumpak ang mga sagot. Humanga rin ang Twitter users sa pagsasapuso ng housemates sa naging weekly task at maging sa kanilang ipinakitang teamwork.

Abangan naman ngayong linggo ang mga talentong ipamamalas ng housemates sa kanilang summer concert sa pagpapatuloy ng “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition, kung saan papasok ang SB19 at MNL48 sa “PBB” upang gabayan ang teen housemates. Sundan ang official “PBB” social media accounts na @PBBabscbn sa Twitter at @PBBabscbntv sa Facebook at Instagram sa at manood ng “Kumulitan” sa @pbbabscbn sa Kumu ng 5:45 pm at “Kumunity G sa Gabi” ng 9 pm kasama ang ex-celebrity housemate na si Benedix Ramos.

Tutok lang din sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Abangan din ang dailly Kumulitan sa app.kumu.ph/pbbhouse.