in

‘Drive-in Cinema One Christmas’ ipapalabas ang ‘Spencer’ ngayong December 4

May maagang pamasko ang Cinema One dahil nagbabalik ang drive-in film screening nito kung saan ipapalabas ang critically-acclaimed film na “Spencer” tungkol sa isang Christmas holiday sa buhay ng yumaong si Princess Diana na ginampanan ng American actress na si Kristen Stewart.

Siguradong mag-eenjoy ang pamilya at mga magkakaibigan ngayong Disyembre 4 (Biyernes) sa Ayala Malls Vertis North sa panonood ng pelikula ni Pablo Larrain na “Spencer” na tumutukoy sa apelyido ng Princess of Wales bago siya nagpakasal kay Prince Charles. Tampok sa pelikula ang mga nangyari sa isang Christmas holiday ni Princess Diana kasama ang royal family sa sa Norfolk, England, kung saan ipinakita ang mga problema niya sa mental health at ang desisyon niyang hiwalayan na si Prince Charles.

Tila isang “cinematic work of art” ang “Spencer” ayon sa First Showing habang sinabi naman ng The Guardian na “magnificent” ang pelikula. Kabilang ito sa official selection ng 2021 Venice Film Festival, Telluride Film Festival, at Toronto International Film Festival.