in

Direk Mae Cruz Alviar, misyong pasayahin ang mga tao sa comeback serye ng KathNiel na ‘2 Good 2 Be True’

Pinapangako ni Direk Mae Cruz Alviar na magbibigay saya at inspirasyon ang reunion project niya kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “2 Good 2 Be True.

“We will do our best to offer a project that will give people a breather from what they are going through right now. This is our mission. This is our vision. And this is what we will aim to do,”sabi ni Direk Mae sa nakaraang cast reveal ng serye.

Bukod sa comeback serye ng KathNiel ang “2G2BT,” ito rin ang pagsasanib-pwersa muli nina Direk Mae at KathNiel matapos nilang magkasama sa blockbuster films na “Crazy Beautiful You” at “Can’t Help Falling In Love.”


Abangan ang bagong seryeng pupukaw sa atensyon ng mga manonood malapit na sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC.

Para sa updates, sundan lamang ang RGE Unit sa Facebook (RGE Drama Unit), Twitter (@rgeunit), at Instagram (rgeunit), at ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.