in

Direk Gina Alajar, ibinahagi ang mangyayari sa character ni Sofia Pablo sa ‘Prima Donnas’

Sa latest vlog ni Aiko Melendez, ibinahagi ni Direk Gina Alajar kung ano ang mangyayari sa character ni Sofia Pablo sa ‘Prima Donnas’.

Noong nakaraang buwan, naglabas ng statement ang GMA Entertainment na hindi makakasama si Sofia sa lock-in taping ng serye alinsunod sa guidelines ng Department of Labor and Employment na hindi pa maaaring magtrabaho ang mga minor na 15 years old pababa.
 
Panimula ni Direk Gina, “I want to take this opportunity to clarify things kasi maraming [nagtatanong] about Sofia, kung bakit hindi na natin kasama. Well, the decision para mawala si Sofia sa show is not ours kasi kung kami ang masusunod, ayaw namin because Sofia is part of the show and we all love her. But then, mayroong mga kailangan kaming sundin na rules from DOLE.”
 
Dagdag ni Direk, “Nagkaroon po kami ng malaking malaking discussion talaga at malaking problema kung paano namin maso-solve [ito] but at the end of the day po, kailangan namin sumunod kaya po nawala si Len-Len (Sofia’s character). Pero hindi siya nawala totally. Nawala lang siya physically but she’s being talked about. ‘Yung pangalan niya ay laging nababanggit sa show, hindi po namin siya pinatay.”
 
Samantala, patuloy na napapanood ang recap ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime. 
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

‘Bubble Gang’ boys, ikinuwento ang sikreto sa success ng gag show

Usapang baby kasama sina Mark Herras at Nicole Donesa sa ‘Mars Pa More!’