in

Dingdong Dantes, wagi ng Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards

Isang panibagong parangal ang nakuha ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes matapos magwagi ng Asian Star Prize sa 15th Seoul International Drama Awards.

Ang recognition na ito ay para sa kanyang mahusay at natatanging pagganap bilang Captain Lucas Manalo a.k.a. Big Boss sa local adaptation ng Korean drama series na Descendants of the Sun ng Kapuso Network.

Sa kanyang acceptance speech, inialay ni Dingdong ang parangal sa lahat ng frontliners sa mundo at pati sa kanyang pamilya, “This award is also a tribute to all frontliners of the world–soldiers, healthcare workers, and volunteers. This award is also for my loved ones and the Filipino people. May we find consolation knowing that our stories are being appreciated, especially during these trying times.”



Si Dingdong ang pang-apat na Kapuso star na nagwagi ng Asian Star Prize kasama sina Gabby Concepcion, Dennis Trillo, at Alden Richards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

WOW! Hallypop ng GMA Network, trending agad! 

XOXO, miss mag-perform nang live