in

Dennis Padilla, pangarap makasama ang anak na si Julia Barretto sa isang project

  • Inamin ni Dennis Padilla na pangarap niyang makasama ng anak na si Julia Barretto sa isang project.
  • Sinabi niya na halos lahat female lead actress ay naging anak na niya sa kanyang mga proyekto maliban sa kanyang anak

Pangarap pa rin ng amang si Dennis Padilla na makasama ng anak na si Julia Barretto sa isang project.

Ayon sa panayam ng PUSH kay Dennis, sinabi nito na halos lahat female lead actress ay naging anak na niya sa kanyang mga projects kabilang na dito sina Toni Gonzaga, Sarah Geronimo, Erich Gonzales at Kathryn Bernardo.

Kaya isa rin sa pangarap niya ang makasama ang anak sa isang proyekto.

“Alam mo dream ko ‘yun. Kasi halos lahat ng bida na babae naging anak ko na. Naging anak ko na si Toni Gonzaga, naging anak ko na si Sarah Geronimo, naging anak ko na si Erich Gonzales, naging anak ko na si Kathryn (Bernardo), sino pa ba? Lahat na halos ng lead actress naging anak ko na,” pahayag ni Dennis.

Naniniwala si Dennis na mas malaki na ngayon ang possibility na makakatrabaho na niya si Julia sa isang project dahil pareho na silang under sa Viva Artists Agency. At naniniwala rin ito na marami ang nag-aabang sa kanilang true to life father and daughter project.

“Yung tunay na anak ko na lang hindi ko nagiging anak sa isang movie or sa isang teleserye. So dahil nasa Viva na kami pareho, the chances are bigger. Masaya ‘yun. I believe aabangan nila ‘yun dahil tunay na magtatay, lalabas din sa project,” dagdag ni Dennis.

Matatandaan noon na nagkaroon ng alitan ang mag-ama nang magdesisyon si Julia noon ‘wag nang gamitin ang apelyido ng kanyang ama. Si Julia ay isa sa mga anak ni Dennis at actress na si Marjorie Barretto.

Ngunit pagkalipas ng ilang taon, nagkabati naman ang mag-ama at patuloy ang pag-supporta at pagtatanggol kay Julia sa mga isyung kinakaharap nito.

Kamakailan lang, ipinagtanggol ni Dennis at Marjorie si Julia sa fake news na sinabi ni Jay Sonza sa kanyang Facebook page. Ipinagkalat nito na si Julia ay nagdadalang-tao sa anak ni Gerald Anderson.

“Ang gusto kong sabihin kay Kuya Jay, ‘Kuya Jay, bago ka sana nag-comment ng ganun, sana tinawagan mo naman ako o kaya tinanong mo kay Marjorie o kaya mag-text ka sa kung sino man ang malapit kay Julia para malaman kung totoo or hindi,’” pahayag ni Dennis sa panayam nito sa DZMM.

Si Dennis ngayon ay kabilang sa isa na naman bagong project na “The House Arrest of Us” kasama si Katryn Bernardo at Daniel Padilla.

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Pepito Manaloto,’ mas maaga nang maghahatid ng good vibes!  

Hulaan at kantahan sa bagong ‘It’s Showtime’ segment na ‘Hide and Sing’