in

DenJen, sasabak sa ‘Bayanihan Musikahan’

Sa pangalawang run ng ‘Bayanihan Musikahan’ ng GMA Network, tampok ang Kapuso couple na sina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Drama King Dennis Trillo para magbigay saya sa mga online viewers, live na live sa Facebook page ng ‘Bayanihan Musikahan’ ngayong Huwebes (Mayo 21), 8:00 PM.

Magsisilbi rin itong fundraising event para sa mga urban poor families na apektado ng krisis na pinagdadaanan ng bansa ngayon na COVID-19. Katuwang ng GMA ang Philippine Business for Social Progress, Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid, Likhaan, at Caritas Manila sa event na ito.

Maaaring mag-donate ang mga manonood sa pamamagitan ng bank transfers at iba pang virtual wallets. Huwag palalampasin ang pagkakataong makatulong at mag-enjoy sa performances na inihanda ng DenJen!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Betong Sumaya, nagpasalamat sa ‘ayuda’ ni Paolo Contis

LJ Reyes, laking pasasalamat sa pagpapasaya ng bunsong si Summer