in

DenJen, enjoy na magkasama sa trabaho 

Malaki raw ang pinagbago ng working relationship ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa bagong serye nila na ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’

Excited ang fans ng Kapuso couple dahil mapapanood na nila ang much-awaited reunion ng dalawa sa primetime kung saan makakasama nila ang talented Kapuso actress na si Rhian Ramos. Matatandaan na huling nagtambal sina Dennis at Jennylyn sa GMA series na ‘My Faithful Husband’ taong 2015.

Biro ni Jennylyn ay hindi na raw sila nag-aaway ni Dennis sa set, “Ngayon kasi hindi na kami nag-aaway. Dati away kami ng away sa set. Mas smooth na.”



Dagdag pa ni Jen, “Ever since naman, si Dennis, masarap siya talagang katrabaho kasi napakagaling na aktor.”

Para naman kay Dennis, nakatulong daw ang quarantine para mag-improve ang teamwork nila, “Mas nae-enjoy namin magkasama sa trabaho. Siguro dahil marami kaming time na ini-spend ngayong quarantine. Mas nag-a-adjust kami kasi magkasama kami every day. Nadala namin ‘yun kahit na nandu’n kami sa trabaho.”

Tampok din sa ika-apat na installment ng ‘I Can See You’ sina Jhoanna Marie Tan with the special participation of Ruby Rodriguez. Mapapanood ang ‘Truly. Madly. Deadly.’ ngayong Lunes (October 19) na, 9:15PM, sa GMA Telebabad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Althea Ablan, ipinasilip ang set ng ‘Prima Donnas’

GMA News and Public Affairs, winner sa Asian Academy Creative Awards 2020