in

‘Dapat Alam Mo!’ wagi sa puso ng viewers

Mainit ang naging pagtanggap ng viewers sa Dapat Alam Mo! na ngayon ay napapanood na sa GMA kasabay ng simulcast nito sa GTV. Waging-wagi ang combined ratings nito laban sa mga katapat na programa.

Malaki ang pasasalamat ng Dapat Alam Mo! hosts na sina Emil Sumangil, Patricia Tumulak, at Kim Atienza sa mga manonood na tumututok sa show nila. Say pa ni Kuya Kim: “Lord this is your show! Maraming salamat po sa inyong suporta! Sa atin pong lahat ang tagumpay na ito!”

“Patuloy kaming magiging instrumento para makapaghatid ng impormasyon at tunay na serbisyo publiko,” ayon kay Emil.

Si Patricia naman, super grateful sa kanyang kasama sa show. “Beyond blessed to work with these people. Maraming salamat sa pagtutok! To God be the glory!” post ng Kapuso host sa kanyang social media account.

Say ng netizens, hindi lang daw entertaining, informative pa ang Dapat Alam Mo! kaya naman patok ito sa kanila.

Mapapanood ang Dapat Alam Mo! Weekdays, 5:30 p.m. sa GMA at GTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Viewers nakihugot sa ‘The Goodbye Girl’ ng iWantTFC

Cebuana artist na si Relden, may paalala para sa mga nasa toxic na relasyon