in

Community Pantry Volunteers, panalo ng kalahating milyon sa ‘Everybody, Sing!’ ni Vice Ganda

Umulan ng swerte at salapi sa unang episode ng “Everybody, Sing!” ni Vice Ganda dahil nagtagumpay ang grupo ng community pantry volunteers na makuha ang jackpot prize na P500,000 kagabi (Hunyo 5).

Nahulaan ng tama ng 25 songbayanan ang 10 titulo ng mga kanta sa “Everybody Guessing” na jackpot round ng unang community singing game show ng bansa. Kaya naman, paghahatian nila ang P500,000 bilang unang jackpot prize winner.

Pinuri rin ng Phenomenal Box-Office Star ang community pantry volunteers mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila dahil sa kanilang paglilingkod sa sambayanan sa gitna ng pandemya.


“Kahit nag-aaral kami, basta may free time, makakatulong kami sa ibang tao. Hindi lang sila ‘yung napapasaya. Pati na rin kami.”

Bukod sa ipinakitang bayanihan, naaliw din ang netizens sa panonood ng “Everybody, Sing!” na naging top trending topic sa Twitter Philippines.

Ani @NhelVictorino, “Parang gusto ko na ring sumali! Ang enjoy lang eh, though magkakaiba kayo ng group or organization, still ‘yung tulungan makikita mo talaga eh! Nice.”

Sabi naman ni @asirguin, “sobrang ganda ng tugtugan sa #EverybodySing. First episode pa lang mapapa-jam ka na.”

Pinuri rin ni @CristianCofino2 ang outfit ni Vice Ganda bilang ang karakter ni Audrey Hepburn sa pelikulang “Breakfast at Tiffany’s.”

“Thank you meme sa extra effort sa pagsusuot ng bonggang bongga.”

Isang orihinal na konsepto ng ABS-CBN at tunay na Pinoy made ang “Everybody Sing!” na may layuning bigyang-diin ang kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan, lalo na sa panahon ng pandemya.

Papalarin kaya ang next batch ng songbayanan bukas? Abangan sa “Everybody, Sing!” tuwing Sabado, 8 pm at Linggo, 7:30 pm sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.