in

Cherie Gil, magkakaroon ng online acting masterclass

Good news para sa lahat ng fans ng seasoned actress na si Cherie Gil dahil magkakaroon siya ng online acting masterclass ngayong buwan. 

Naka-schedule ang zoom class niya sa July 7, 9, 11, 14, 16, at 18 kung saan ibabahagi ng Kapuso actress ang mga natutunan niyang acting methods sa loob ng 45 taon niya sa showbiz.

Aniya, “I created my own syllabus. Very personalized and shinare ko du’n ‘yung aking process. Hopefully, I’m able to productively engage them.”

For a good cause ang initiative na ito ni Cherie dahil mapupunta ang kikitain niya sa mga batang miyembro ng indigenous people. “This is an extension of Yakap Sining and I decided to focus on Save Our Schools Network, the Lumads and the children of Mindanao.”

Kwento pa niya, open din ang masterclass niya sa mga aspiring actor na nais magkaroon ng dagdag kaalaman sa pag-arte at nais maging productive habang patuloy na pinapatupad ang community quarantine sa bansa.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikee Quintos, bakit nakaramdam ng pressure sa mga dating show?

Rachelle Ann Go, ibinahagi ang quarantine life sa London