in

Cha-Cha Cañete may awitin tungkol sa namumuong ‘Agwat’ sa isang relasyon

Hugot ng isang humaharap sa pagsubok ng pag-ibig ang maririnig sa bagong single ni Cha-Cha Cañete na pinamagatang “Agwat” na handog ng Star Pop music label ng ABS-CBN.

Blooming na dalaga na ngayon ang dating “Goin’ Bulilit” star na ipinapakita ang pagma-mature niya sa ballad na tungkol sa isang tao na nakikitang meron nang namumuong pagitan sa kanila ng minamahal niya.

isinulat at ipinrodyus ni Jungee Marcelo ang “Agwat” na para rin sa mga nakakaramdam na lumalayo ang mga kasintahan nila dahil na rin sa kailangang mag-social distancing ngayong pandemya.


Pakinggan ang bagong single ni Cha-Cha na “Agwat” sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).