in

‘Centerstage’ grand finale, top trending!

Kagabi ay pinangalanan na ang kauna-unahang ultimate winner ng kiddie singing competition ng GMA Network na ‘Centerstage.’

Wagi ang young social media celebrity mula Albay na si Vianna Ricafanca laban sa ukulele player ng Bulacan na si Oxy Dolorito sa kanilang ultimate one-on-one match. Talagang napabilib ni Vianna ang Bida Voters at Centerstage judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Direk Mel Villena sa bersyon niya ng “Kahit Isang Saglit” ni Martin Nievera.

Pasok din ang official hashtag na #CenterstageUltimateWinner sa listahan ng Philippines trends sa social media platform na Twitter.