in

Carlo Aquino, nagselos kina Erich Gonzales at Kit Thompson sa ‘La Vida Lena’

Nasobrahan na nga ba ang paghihiganti ni Lena (Erich Gonzales) sa mga kaaway niya?

Pinrangka kasi siya ng best friend niyang si Jordan (Carlo Aquino) at inakusahang pati dignidad niya ay sinakripisyo na niya para lang maakit si Miguel (Kit Thompson) at paghiwalayin ito sa asawang si Rachel (Sofia Andres).

“Talaga bang wala ka nang pinipili? Wala ka nang ititira sa sarili mo makaganti ka lang? Ginamit mo na ang katawan mo! Anong susunod, kaluluwa mo? Ano, naghalikan ba kayo? Hinubaran ka ba? Umabot ba kayo sa kama?” panunumbat ni Jordan bago nag-walk out kay Lena.

Matagal nang nagtitimpi si Jordan sa mga pinaggagawa ni Lena, pero mukhang hindi lang din niya mapigilan ang pagseselos kay Miguel lalo’t simula pa lang pagkabata ay may lihim na pagtingin na siya sa kaibigan. Dahil sa inaasal ni Jordan, pinayuhan tuloy siya ng magulang at kaibigan niya na magtapat na ng totooong nararamdaman kay Lena.

Samantala, napaamin din si Miguel na minahal nga niya si Lena noon at humingi pa ng tawad para sa mga panloloko niya.

Pero hinding hindi magpapatalo si Rachel kay Lena. Pagkatapos niyang mahuling naghahalikan sina Lena at Miguel, plano na rin niyang manipulahin ang asawa at nagsabing magpapakamatay siya kung mawawala si Miguel sa kanya.

Aamin na nga kaya ng nararamdaman si Jordan kay Lena? Sino ang magwawagi sa agawan nina Lena at Rachel kay Miguel?

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

’24 Oras’ ‘sakalam’ pati sa TikTok!

Mahigit 60 Star Magic artists, maglalaban-laban para bumida sa ‘MMK’