in

Buhay nina Princess Punzalan, G Toengi, at Dagul, ngayon, ipapasilip sa ABS-CBN show na ‘Wer Na U’

Nasaan na nga ba sina Princess Punzalan, Dagul, at G Toengi?

Nasaan na nga ba sina Princess Punzalan, Dagul, at G Toengi?

Aalamin yan ng bagong show ng ABS-CBN na “Wer Na U” kung saan ibinabahagi nila ang kalagayan ng mga artista, singer, direktor at iba’t ibang pang personalidad na nakilala sa industriya ng showbiz.

Alamin ang buhay ng kilalang kontrabida na si Princess Punzalan na ngayon ay nakatira na sa Los Angeles, USA simula Mayo 17. Matapos tumatak ang karakter niyang si Selena sa “Mula Sa Puso,” saan kaya siya dinala ng tadhana at paano kaya nagbago ang kinagisnan niyang buhay dito sa buhay niya sa US.

Isa rin sa mga kakamustahin ng programa sa darating na Mayo 24 ang sitwasyon ng komedyanteng si Dagul na nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya. Ang show nga niyang “Goin Bulilit” ay isa sa mga show na nagtapos noong 2020 dahil sa mataas na cases noon ng COVID-19. Maantig sa kwento ng kanyang buhay ngayon at kung paano pa rin niya sinisikap buhayin ang pamilya.

Sa Mayo 31, buhay naman ng “Gimik” star na si G Toengi ang mapapanood ng viewers. Sa ngayon, naninirahan din siya sa US kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Samahan siya sa pagbahagi niya ng kanyang piniling karera at pinagkaka-abalahan nayon.

Abangan an fresh episodes ng “Wer Na U” tuwing Martes, 7PM, na parte ng “Made For YouTube” shows na napapanood sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, Best TV/Digital Media Station pa rin para sa Gawad Tanglaw

Regine Velasquez, Moira dela Torre, Chito Miranda, at Gary Valenciano, ipinakilala bilang mga hurado ng ‘Idol Philippines’ Season 2