in

‘Bubble Gang’ boys, ikinuwento ang sikreto sa success ng gag show

Sa GMA Entertainment Viber Community, ikinuwento ng ‘Bubble Gang’ boys na sina Paolo Contis, Mikoy Morales, Archie Alemania, Sef Cadayona, at Betong Sumaya kung ano ang sikreto sa likod ng tagumpay ng comedy show. 

Para sa kanila, malaking bagay raw ang teamwork at abilidad nilang mag-adapt sa panahon.

“I think kaya kami swak sa isa’t isa ay dahil magkakaibigan kami at may respeto kami sa isa’t isa. Kahit feeling n’yo wala, meron!” pabirong hirit ni Paolo. “We take our comedy seriously. We try na mag-adapt sa mundo kaya 25 years and counting ang Bubble Gang. Hindi siya madali. Lahat ng ginagawa namin ngayon ay may kinalaman na sa new normal, adapt lang ng adapt.”



Dagdag ni Mikoy, “Totoo ‘yun, actually. May lambing din talaga ‘yung asaran sa’min. ‘Pag hindi ka inaasar, ‘di ka mahal. Pero honestly, ‘yung pagiging seryoso ng show sa comedy [ang sikreto].”

Samantala, ipinahayag naman nina Betong, Sef, at Archie na dream come true at achievement ang mapabilang sa cast ng ‘Bubble Gang’ hanggang ngayon.

Patuloy na subaybayan ang ‘Bubble Gang’ tuwing Biyernes, 10:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Bagong Star Pop talent na si Kanishia, ibinida ang debut single na ‘A Little Taste of Danger’

Direk Gina Alajar, ibinahagi ang mangyayari sa character ni Sofia Pablo sa ‘Prima Donnas’