in

Bigatin! Buwayang co-star ni Ruru Madrid, bongga ang “TF”

“Highest paid actor” kung ituring ang dambuhalang buwaya na bibida kasama ni Ruru Madrid sa upcoming adventure series ng GMA na “Lolong.”

Sa sobrang laki kasi ng 22-feet na buwaya na gaganap bilang si Dakila sa serye, 14 katao ang kinakailangan upang mapagalaw ang nasabing animatronic na gawa sa fiberglass body at silicone skin. Gagamit din ang production team ng pneumatic technology o yung air compression na remotely operated by a mechanic o technician upang maging realistic ang galaw ni Dakila na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru) sa kuwento.

Bongga ha! Dinaig pa ata ang TF ni Ruru. Pero wala naman ito sa Kapuso actor dahil napakalaking proyekto ang pagbibidahan niya. Kahit sino sigurong artista na mapabilang sa ganito kalaking show ay magiging grateful at proud na. Ano pa kaya si Ruru na titular role ang pagbabalik sa primetime?