in

Bianca Umali, kinabahan kay Dennis Trillo?

Ang upcoming family drama series na ‘Legal Wives’ ang unang teleseryeng pagsasamahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at versatile actress Bianca Umali.

Naikuwento ni Bianca na masaya siyang mapabilang sa makabuluhang serye at lubos siyang nag-e-enjoy na makatrabaho ang mahusay na aktor.

“It was exciting but at the same time medyo kinakabahan ako kasi napakagaling umarte ng isang Dennis Trillo. To have the opportunity to be in a scene and act with him beside you, not everyone has experienced that,” pahayag ni Bianca.