in

Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros maghahatid ng good vibes sa ‘PBB Kumulitan’ show sa KUMU

Aapaw na ang kulitan at chikahan tungkol sa papalapit na “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” dahil magsasama araw-araw sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros para sa “PBB Kumulitan” show sa Kumu.

Ibinalita ni Bianca sa “PBB Kumulitan” noong Lunes na malapit na raw mabuo ang line-up ng official celebrity housemates na unang papasok sa bahay ni Kuya.

Pero bago sila ipakilala sa publiko, kailangan mag-quarantine ang mga napiling housemates at dadaan sila sa psychological, physical, at COVID-19 tests upang mahirang na official celebrity housemates.

Ayon naman kay Enchong, excited na siyang malaman kung sinu-sino ang mga maswerteng napili bilang celebrity housemates.

Samantala, natapos na ang Online Bahay ni Kuya sa Kumu para sa Kumunizens na may bronze at silver badges na maaring maging celebrity housemate. Mula sa top 50 livestreamers pipiliin ang dalawang magiging official celebrity housemates ni Kuya.

Sino kaya ang mga sikat na personalidad ang magiging bagong celebrity housemates ni Kuya? Abangan ang updates sa “PBB Kumulitan” online show nina Bianca at Enchong mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30 pm sa Facebook at Kumu account ng “Pinoy Big Brother.” Tutok lang din tuwing weekend kasama si Sky Quizon ng “PBB Otso” para sa weekend edition ng “PBB Kumulitan.”

I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook (@pbbabscbntv), Twitter (@pbbabscbn), Instagram (@pbbabscbntv), at kumu (@pbbabscbn). Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Markus Paterson at Moophs nagsamang muli para sa kantang ‘Real’

ABS-CBN, 11 ang National Winners sa 2021 Asian Academy Creative Awards