in

BGYO, magbibigay inspirasyon sa mga tao sa unang album nilang ‘The Light’

Patuloy ang pagpapamalas ng BGYO kanilang angking galing sa pag-awit sa kanilang pagrelease ng unang album na “The Light” ngayong araw (Okt. 7).

Mararamdaman ang pagmamahal, pakikiramay, at katatagan sa 12 tracks ng “The Light.” Inaalay ng BGYO sa kanilang fans na ACEs ang kanilang carrier single na “When I’m With You,” na isang laid-back EDM pop beat. Kasabay naman ng kanilang album drop ang paglabas ng music video ng “When I’m With You.”

Mapapakinggan din sa unang beses ang mga kantang “Kundiman,” “Fly Away,” “Sabay,” at “Rocketman” na isinulat ng ilan sa mga miyembro ng BGYO. Nasa track list din ang kanilang debut single na “The Light,” ang Bahasa, Japanese, Thai, at Spanish versions nito, ang 2021 Asian Academy Creative Awards Best Theme Song na “He’s Into Her” at “The Baddest.”


Pakinggan na ang debut album ng BGYO sa Spotify at lahat ng major streaming platforms. Kumuha ng updates tungkol sa BGYO at sundan ang BYGO_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa YouTube channel nilang BGYO Official.