in

Belle Mariano at Donny Pangilinan, matapang na haharapin ang hamon ng buhay at pag-ibig sa ‘He’s into Her’

Mistulang aso’t pusang maghaharap ngunit mauuwi sa pag-iibigan sina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa pinakahihintay na serye ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at Star Cinema na “He’s Into Her,” na magsisimula sa Mayo 30 sa A2Z at Kapamilya Channel.

Hango sa kilalang Precious Pages-LIB na nobela na sinulat ng sikat na Pinoy author na si Maxinejiji, pinapakita ng “He’s Into Her” series kung paano ipaglaban ng buong tapang ang pamilya, kaibigan, at pag-ibig.

Ito ang kwento ng probinsyanang si Maxpein (Belle), na papayag sa pakiusap ng ama na tumira kasama niya sa Manila, bilang pagtanaw ng utang ng loob dahil tinulungan nitong ipagamot ang lola.

Lakas-loob na haharapin ni Maxpein ang bagong buhay sa siyudad, kasama ang pag-aaral sa Benison International School. Susubukan ng baguhang estudyante na makibagay dito ngunit dahil sa kanyang malakas na dating, makakahanap ito ng katapat sa pagkatao ni Mr. Popular na si Deib Lohr (Donny). Dahil dito, ang tahimik niyang buhay ay biglang gugulo.

Pero habang patindi nang patindi ang panggugulo ni Deib kay Max, unti-unti itong magkakagusto sa dalaga.

Makakasama nila Belle at Donny sa “Hes Into Her” ang ilan pang rising stars ngayon tulad nina Jeremiah Lisbo, Vivoree Esclito, Kaori Oinuma, Rhys Eugenio, Joao Constancia, Criza Taa, Ashley del Mundo, Gello Marquez, at iba pa.

Ito ay nasa ilalim ng direksyon ng bago at batang director na si Chad Vidanes.

Mapapanood ang “He’s Into Her” sa iWantTFC sa Mayo 28 (Biyernes), dalawang araw bago ang nito ipalabas sa Mayo 30 (Linggo) sa Kapamilya Channel, A2Z at sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Magigiting na mga bumbero, bibigyang pugay ni Angel Locsin sa ‘Iba ‘Yan’

Sunshine Dizon at Jake Ejercito, excited nang gawin ang ‘Marry Me, Marry You’ ng ABS-CBN