in

Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, open nga ba sa May-December love affair?

Gaya ng tema ng kanilang pagbibidahang bagong mini-series na ‘Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette,’ papayag nga ba sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda na makipagrelasyon sa malayo ang edad sa kanila?

Sa kanyang kauna-unahang Kapuso serye, nakatakdang gumanap si Beauty bilang si Bridgette de Leon, isang guidance counselor na makaka-summer fling si Marcus Villareal (Kelvin) na kanya palang estudyante.

Dahil isang May-December love affair ang tema ng kanilang mini-series, bukas nga ba o nagkaroon na ba ng karanasan sina Beauty at Kelvin na makipagrelasyon sa labas ng kanilang age bracket?