in

Bayang Barrios, Cooky Chua, at Lolita Carbon o Tres Marias, bahagi na ng ABS-CBN Music

Pakinggan ang bagong single ng Tres Marias na “Isa Pa Nga!!!” sa iba’t ibang music platforms at panoorin ang music video nito sa ABS-CBN Star Music’s YouTube channel.

Certified Kapamilya na ang mga OPM icon na sina Bayang Barrios, Cooky Chua, at Lolita Carbon pagkatapos nila pumirma ng kontrata sa ABS-CBN Music, na siyang pagbabalik na rin nila bilang grupong Tres Marias makalipas ang limang taon.

Kasama sa contract signing ng Tres Marias si ABS-CBN Music head Roxy Liquigan, na inaming fan siya nina Bayang, Cooky, at Lolita kaya naman hindi niya pinalampas ang pagkakataon na makatrabaho ang mga ito.


Para kay Cookie, paalala ang “Isa Pa Nga!!!” na hindi nadadala ang mga tao pagdating sa pag-ibig. ”Siyempre sa age ko diba, marami na akong experience, pero iibig at iibig ka uli dahil nagtitiwala ka dun sa power ng love.”

Ayon naman kay Bayang, hindi lang tungkol sa pagmamahal ang kanta. “Kailangan mong tanggapin ‘yung pagkatalo, pagka-depressed, pagkalungkot, tapos after that, kailangan uli lumaban—isa pa nga.”

Naniniwala naman si Lolita na kanta ito para sa selebrasyon. Aniya, “Walang katapusang selebrasyon kasi lahat naman tayo nagce-celebrate whether it is bad or good, it’s another isa pa nga.”

Dahil sa kanilang kontribusyon sa OPM, nakatatak na kasaysayan ng musika sina Cookie, Bayang, at Lolita. Si Cookie ang lead act ng bandang Color It Red na sumikat noong ‘90s, habang si Bayang naman ang isa sa mga nanguna at nananatiling pwersa para sa folk music sa bansa. Si Lolita naman ay isang influential artist sa Pinoy Rock Movement na nakilala sa kanyang musika kasama ang bandang Asin.

Pakinggan ang bagong single ng Tres Marias na “Isa Pa Nga!!!” sa iba’t ibang music platforms at panoorin ang music video nito sa ABS-CBN Star Music’s YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).