in ,

Batman Begins, mas tinangkilik panoorin ng viewers sa GMA Network

Nitong nakaraang Linggo (April 19), trending sa social media ang 2005 DC movie na ‘Batman Begins’ matapos sabay na ipalabas ng Kapuso at Kapamilya networks ang naturang pelikula.

Naaliw naman ng todo ang netizens sa nangyaring insidente dahil sabay pinalabas ang iisang pelikula sa magkabilang istasyon.

Gayunpaman, ayon sa datos na nilabas ng AGB Nielsen sa NUTAM, mas tinangkilik ng Filipino viewers ang pelikula sa Kapuso Movie Festival ng GMA Network na nakakuha ng 7.0 percent laban sa 6.2 percent ng kabila.

Malinaw na lamang at hindi kataka-takang mas tinutukan ng viewers ang tagalized version ng GMA kaya wagi ito sa TV ratings.

Kaya naman, linggo-linggong inaabangan at hindi pinapalampas ng mga manunuod ang mga pelikulang handog ng Kapuso Network sa lahat habang naka-quarantine sa kanilang mga bahay.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Heart Evangelista, hindi titigil sa pagtulong sa mga nangangailangan

Chariz Solomon, saludo sa frontliners!