in

Barbie Imperial, umuwi sa tunay na pamilya sa ‘Bagong Umaga’

Ginulat ni Cai (Barbie Imperial) ang lahat nang magdesisyon itong umuwi sa tunay niyang pamilya na mga Magbanua para alagaan si Monica (Nikki Valdez) matapos ang matagumpay na operasyon sa ina nitong Biyernes sa “Bagong Umaga.” 

Ngunit kahit na maganda ang pakikitungo ni Cai kina Monica at Jose (Keempee de Leon), malakas ang kutob nina Tisay, Ely (Tony Labrusca), Angge (Michelle Vito) at Dodong (Yves Flores) na lalabas ang tunay nitong kulay at may iba pa itong binabalak.  

Labis ang sakit na naramdaman ni Tisay sa kanyang sakprisyong ginawa lalo pa at nararamdaman niyang lumalayo na ang loob ng mga kinagisnang magulang sa kanya.  

Inabisuhan naman siya ni Ian (Cris Villanueva) at Maggie (Sunshine Cruz) na bukas ang bahay nila sa tunay na anak.  

Sa kabilang banda, natuloy na ang hearing sa kasong isinampa nina Tisay at Ely kay Diana sa ginawa nitong pagkidnap sa kanila sa ospital at sa utos nitong ipabaril si Monica. Ngunit hindi magiging madali ang kanilang laban dahil sa depensa ni Diana na temporary insanity.  

Kakailanganin nila ang tulong ni Otep (Kiko Estrada) para mapatunayan na hindi totoo ang sinasabi ng kampo ni Diana.   

Tutulungan ba ni Otep sina Tisay at Ely? Lalabas nga ba ang tunay na intensyon ni Cai sa desisyon nitong umuwi para alagaan si Monica?  

Huwag palampasin ang ang mga susunod na tagpo sa “Bagong Umaga,” na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).   

Available din ito sa A2Z channel 11, na   mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.   

Ito rin ay na sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.   

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN News, lumawak pa ang naabot sa mundo sa streaming ng ANC at Teleradyo shows sa YouTube

Buhay ni Grae Fernandez, nanganganib sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’