in

Barbie Forteza, nawiwili sa pagluluto!

Mukhang enjoy na enjoy sa pag-eksperimento sa kusina ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza. 

Marami-rami na ngang natutunang recipes ang aktres kaya naman gusto niya itong i-share sa fans. Sa kaniyang latest vlog, ipinagmalaki niya ang kanyang creamy mushroom chicken and cauliflower fried rice!

Kamakailan naman ay tinuruan siya ng boyfriend na si Jak Roberto na magluto ng beef salpicao.

Samantala, sabik na ang fans ni Barbie na muling mapanood ang idolo sa pinagbibidahang primetime series na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ sa GMA Telebabad. Buti na lang at kinakarir niya ang pagbibigay ng updates sa kanila sa mga video na regular niyang ina-upload sa kaniyang YouTube channel. Napapanood din siya gabi-gabi sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rerun ng ‘One True Love’, trending nationwide

Chris Tiu, excited sa bagong episode ng ‘iBilib’ ngayong Linggo