in

Barbie Forteza, napaiyak ni Rovilson Fernandez?

Sa recent episode ng “Home Work”, nagpa-sample ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza ng mga natutunan niya mula sa online acting masterclass ng seasoned actress na si Cherie Gil. Ilang segundo lang ay nagawa nang umiyak agad ni Barbie, kaya napahanga niya ang host ng programa na si Rovilson Fernandez.

Kuwento ni Barbie, sumali siya sa acting class para maiwasan ang boredom habang naka-quarantine at para mas mahasa ang talent sa pag-arte. Aniya, “Nu’ng nagsimula po talaga tayo ng quarantine, wala na po talaga akong ginawa. Perfect timing naman na nag-post si Ms. Cherie Gil na magko-conduct s’ya ng online masterclass. Sabi ko, what better way na matuto kung ‘di learn from the best.”
 
Napapanood ang “Home Work” ng “New Normal: The Survival Guide” tuwing Huwebes, 9:15 p.m. sa GMA News TV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Halaga ng pamilya at pagkakaisa mangingibabaw sa huling misyon ng ‘A Soldier’s Heart’

Jennylyn Mercado at Direk Dom Zapata, tinanggap ang award ng DOTS Ph