in

Barbie Forteza, ipinasilip sa fans ang work from home setup

Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ni Primetime Princess Barbie Forteza ang naging work from home setup niya nang maging guest anchor sa Chika Minute. 

Tinulungan daw siya ng boyfriend na si Jak Roberto para i-setup ang box equipment na pinadala ng 24 Oras. Si Jak ang nag-ayos ng settings ng camera at ng ilaw para kay Barbie. 

Bago nagsimula ang newscast, nag-makeup muna si Barbie, “In fairness, ang bilis kong nakapag makeup. Tama rin ‘yung diskarte ko na dito ko sa setup magme-makeup. Para nga naman tama ‘yung makeup ko kasi minsan iba ‘yung rehistro ng makeup sa camera ng phone, iba dito sa camera dito, iba sa makeup table ko sa taas. Mas okay na sigurado tayo.”

Samantala, habang hindi pa nagre-resume ang taping ng pinagbibidahang primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, napapanood gabi-gabi sina Barbie at Jak sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikael Daez, sinubukan ang parenting skills sa nakababatang kapatid

Doc Ferds at Doc Nielsen, balik wild life na ngayong Linggo