in ,

Balik-tambalan nina Alden Richards-Jasmine Curtis-Smith, inaabangan na; Tom Rodriguez, sasabak sa kakaibang role

Naintriga at na-excite ang netizens sa pasilip ng upcoming GMA series na ‘The World Between Us’ na pinagbibidahan nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez.

Nitong June 9 ay inilabas na ang unang teaser ng naturang serye kung saan makikitang naudlot ang kissing scene ng mga karakter nina Alden at Jasmine na sina Louie at Lia.

Maririnig din sa teaser ang boses ni Lia na nagsasabing, “Abot kamay na kita, ganito na tayo kalapit sa isa’t isa. Pero ba’t ganun? Ba’t parang napakalaki ng hadlang sa pagtatagpo ng ating mga puso?”

Naiintriga tuloy ang kanilang fans sa kung ano ang magiging takbo ng kuwento ng serye. Hula ng isang netizen, “Hmm the way Alden delivered his lines, and that retro transition, I think magkaiba sila ng timeline.”

Maliban sa muling team-up nina Alden at Jasmine, inaabangan na rin ng viewers ang kakaiba at challenging role na gagampanan ni Tom Rodriguez sa serye.

Matatandaan na una nang ibinahagi ng aktor ang kanyang new look para sa serye kung saan mapapansin na tila may pagka-bad boy ang kanyang dating.

Abangan ang nalalapit na world premiere ng The World Between Us ngayong July sa GMA-7. Mapapanood din ito sa ibang bansa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga COVID-19 survivor at frontliner, bibisitahin ni Angel Locsin sa unang anibersaryo ng ‘Iba Yan’

Ipagdiwang ang Kalayaan live sa ‘ASAP Natin ‘To’