in

Bagong single ni Lovi Poe, tampok sa ‘ASAP Natin ‘To’ live

Sabay-sabay nating salubungin ang Oktubre sa “ASAP Natin ‘To” dahil live na live ninyong mapapanood ang mga pasabog ng mga paborito ninyong Kapamilya idol, tulad ng new single performance ni Lovi Poe, pa-birthday blowout ni Joshua Garcia, espesyal na tribute para sa KathNiel, at marami pang iba ngayong Linggo (Oktubre 3) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Tatapak muli sa ASAP stage ang bagong Kapamilya star na si Lovi Poe para awitin ang kanyang panibagong single na “Candy” sa “ASAP Fresh.”

Huwag naman palampasin ang Rock-tober treat ng “ASAP Natin ‘To” family, kasama sina Nyoy Volante, Jason Dy, Karina Bautista, at marami pang iba habang makiki-party rin ngayong Linggo sina Kim Chiu at Donny Pangilinan.

Pakatutukan din ang special duet tribute ng New-Gen ASAP singers na sina Sheena Belarmino, JM Yosures, Lara Maigue, Anthony Castillo, Janine Berdin, Sam Mangubat, Elha Nympha, at Reiven Umali para sa ika-10 na anibersaryo ng tambalang KathNiel.

Maki-hataw naman sa birthday blowout ni Joshua Garcia kasama sina Aljon Mendoza, Valentino Jaafar, Ralph Malibunas, RJ Perkins, Kei Kurosawa, Drey Brown, Anne Tenorio at Janella Salvador sa “Star Magic Presents.” Hindi rin pahuhuli sa sayawan ang dance hotties na sina Enchong Dee, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Ronnie Alonte, at Edward Barber kasama ang mga viral na guro na sina Joemari Alamer Tadeo at Kristine Joan Hinanay sa World Teachers’ Day edition ng “ASAP Discoveries.”

Abangan din ang mga matitinding collab mula sa inyong mga idol, tulad ng pure energy kantahan at hatawan nina Pinoy hitmaker Gary Valenciano at Asia’s Pop Heartthrob Darren kasama sina AC Bonifacio, Charlie Dizon, at Loisa Andalio; at ang bonggang biritan mula kina Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Kyla, Klarisse de Guzman, at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

At aarangkada naman ang world-class ’80s tapatan nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez sa “The Greatest Showdown.”

Lahat ng ito, tampok sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” live na live muli ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.     

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Miss Universe Philippines 2021 napapanood na sa YouTube ng ABS-CBN

Markus Paterson at Moophs nagsamang muli para sa kantang ‘Real’