in

Bagong pelikula ni Paolo Contis, trending!

Iba talaga ang karisma ng Kapuso actor na si Paolo Contis sa viewers! Sa unang araw pa lang ng bago niyang pelikula sa Netflix na ‘A Faraway Land’, agad na itong napasama sa ‘Top 10 in the Philippines’ list!

Umani na rin ito ng rave reviews mula sa netizens dahil sa natatanging pagganap ni Paolo bilang si Nico na lumipad sa Faroe Islands para gawan ng documentary ang Pinay na ikinasal sa isang Faroese. Ilan din sa mga kapwa celebrities niya ang nagpost tungkol dito, at isa na rito ang leading lady niya sa upcoming GMA series na ‘I Left My Heart in Sorsogon’ na si Heart Evangelista.

Last year, pinabilib din ni Paolo ang viewers sa mahusay niyang acting sa mga pelikulang ‘Through Night and Day’ at ‘Ang Pangarap Kong Holdap’ na inilabas na rin sa Netflix.