in

Bagong Celebrity Housemates ni Kuya, ipapakilala na simula Oktubre 6

Malapit na nga magsimula ang inaabangang “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” Celebrity Edition dahil handa nang ipakilala ni Kuya ang mga napiling celebrity housemates simula ngayong Miyerkules (Oktubre 6).

Ito ang announcement na ginawa sa weekend show na “PBB Kumulitan” ni “PBB” alumnus Sky Quizon kasama sina “PBB Connect” alumni Amanda Zamora, at Ella Cayabyab. Inilahad ng tatlong ex-housemates na ang ibig sabihin ng “BC” na inilabas sa social media ay “Biga10 Celebreveal.”

Magaganap ang pagpapakilala ni Kuya sa kanyang bagong celebrity housemates sa iba’t ibang online platforms kaya inaanyayahan ang lahat na tumutok ang lahat sa Kumu, Facebook, Instagram, at Twitter accounts ng “PBB.”