in

‘Awit Ng Misyon’ music video ni Jamie Rivera, inilabas na

Kwento ng pasasalamat at pagmamahal ang hatid ni Jamie Rivera sa music video ng “Awit Ng Misyon,” ang Tagalog version ng “We Give Our Yes” na nagsisilbing mission song ng pagdiriwang ng ‘500 Years of Christianity in the Philippines.’

Kasabay ng paglulunsad ng music video ang pag-alala sa kaarawan ni Mama Mary o Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary noong Miyerkules (Setyembre 8).

Tampok sa “Awit Ng Misyon” music video ang espesyal na mensahe ni Archbishop of Manila Cardinal Jose F. Advincula sa mga Pilipino tungkol sa patuloy na pakikinig sa salita ng Diyos, pagdarasal, at pagpapatuloy ng misyon.


Ang “We Give Our Yes” composer na si Fr. Carlo Magno Marcelo ang sumulat ng kanta katulong si Quiapo Church Rector Msgr. Hernando Coronel. Iprinodyus naman ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Panoorin ang “Awit Ng Misyon” music video ni Jamie sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at patuloy na pakinggan ang kanta sa iba’t ibang music streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter atInstagram (@StarMusicPH).