in

Arra San Agustin, sinuportahan ang negosyo ng mga seafarer

Ibinida ni Arra San Agustin ang ilang pasalubong treats na gawa mismo ng mga seafarer sa fresh episode ng online show ng Kapuso Network na Taste MNL. 

Dahil sa COVID-19 pandemic, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho. Bilang alternatibong paraan upang kumita, nagsulputan ngayon ang samu’t saring online businesses. Isa na rito ang online food business ng isang grupo ng mga seafarer. Nakakatakam ang mga pagkain na ni-review ni Arra kabilang na ang home-made brownies, empanada, at siopao ng naturang food business. 

Tumutok lang sa masasarap na food adventures ni Arra sa fresh episodes ng ‘Taste MNL’ every week sa official social media accounts ng GMA Network.  

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pancho Magno, ready nang magbalik-trabaho para sa ‘I Can See You’

Julie Anne San Jose, may patikim para sa bagong single!