in

Alexa Ilacad, unang covergirl ng digital video magazine ng Star Magic

Tuwang-tuwa si Alexa Ilacad na mapili bilang kauna-unahang cover girl niya ng “Slay,” ang bagong digital video magazine na ilulunsad Star Magic sa kanilang pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo.

“Na-inspire tuloy ako na mas mag-inspire pa ng iba at maging boses ng kababaihan at ma-empower pa ang maraming tao,” pahayag ng aktres. “Grabe yung nerbyos ko pero excited din ako. Dream come true ito para sa akin. Alam kong magiging sexy ito pero ang real goal dito ay ipagdiwang natin ang mga kababaihan.”

Aminado si Alexa na magiging sexy ang paglabas bilang cover girl, ngunit para sa kanya ay hindi lang naman isa ang kahulugan ng salitang “sexy.”

“Ang sexy hindi lang naman yan sa pagpapakita ng balat. ‘Yung attitude mo yan at kung paano mo dadalhin yung sarili mo,” sabi ni Alexa, na katatapos lang ng matagumpay na digital fan conference nila ni KD Estrada na “Closer.”

Para kay Alexa, “Feeling ko ito na yung oras ko. Alam ko nasa path pa ako na minamahal ko yung sariling katawan ko kaya tinanggap ko itong hamon na ito. Ginagawa ko ito para sa aking sarili at para matulungan ako yakapin yung mga mali sa akin.”

Ginawa ng Star Magic ang “Slay” para magbigay ng inspirasyon sa mga kababaihan.

Mapapanood ang “Slay” sa YouTube account ng Star Magic. Dapat din abangan ng fans kung sino pa ang makakasama niya sa unang isyu ng “Slay” at kung paano sila magiging bahagi ng pagbuo ng magazine.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

KDLex hatid ang sariling kwento sa mga kantang ‘Misteryo’ at ‘When I See You Again’

ABS-CBN, ibabalik ang Pinoy Media Congress sa isang Digital Caravan